CASH ASSISTANCE IN QUEZON CITY

434 na pamilya sa Brgy. Batasan at Bahay Toro, Quezon City ang binigyan natin ng tig-P3,500 ngayong araw. Inuna natin ang mga PWD, senior citizens, buntis, at mga single parents upang masiguro na sila ay may pangkukunan sa araw-araw. Higit dito ay maibabalik ang kanilang dignidad upang mabilis silang makatayo sa kanilang buhay.
Sa loob ng siyam na buwan na tayo ay may pandemya, tuloy-tuloy pa rin ang lingkod aksyon na ibinibigay ng Philippine Red Cross sa ating mga kababayan. Nais natin pasalamatan ang pagtitiwala at kumpyansa ng mga donors sa atin.
#RedCrossHelps